Friday, April 25, 2025

Ba't Pag Walang Kuliglig, Madami ang Mabubuang?


Kanina bumili ako ng pandesal early in the morning para sa kape ko tas narinig ko yung kuliglig somewhere sa mga malalaking puno ng mangga. Pag summer sa Ocho, madami yan, lalo na nung bata ako. Naalala ko tuloy nung elementary ako sa Ocho, bumalik ako sa pagka-bata. Ganyan din daw feeling ni Prof Pekwa na sa Ocho din lumaki at nag-aral sa Toro Hills.

Si Mr. Bean naman sa GSIS Elementary School sa Premium Street nag-aral. Nilalakad lang nya from sa may Short Horn (nung dun pa sila nakatira) dahil dati medyo ma-puno pa sa Ocho kaya madaming lilim, masarap maglakad. At sabi din nga nya, pag summer may madidinig kang mga kuliglig, lalo na mag ma-Mayo na. Nag-iingay sila pag uulan o kaya pagkatapos umulan. Kanina ngang umaga me mga kuliglig, kaya malamang mamyang hapon uulan. Kaya bantayan nyo mga sinampay nyo.

Minsan, sa takip-silim meron ding mga kuliglig at matining ang ingay nila habang nilalamon ng dilim ang nagmamaliw na liwanag ng dapit-hapon. Parang nagbabadya ng mysteryo sa mga ka-punuan ng mga hardin at plaza, habang ang mga bata ay nagbabalikan na sa kanya-kanyang tahanan. Mas nakakatakot ang pagsapit ng dilim pag merong mga kuliglig, at nagiingay sila hanggang mawala na ang liwanag. Humihinto sila pag madalim na talaga, tila nagtatago na din sa anumang kababalaghang mangyayari. 

Nung teenager pa si Totoy Golem (isa sa mga Ocho tricycle boys), naaaliw sya ng mga kuliglig na ani nya'y "nag-aawitan" doon sa mga ka-siksikan ng mga mayayabong na dahon ng acaia at mangga sa plaza ng Toro Hills. Nagbibigay kagaangan sa nabibigatan nyang isip at damdamin pag madami syang prublema, gaya ng Algebra at Science na pirmi nyang binabagsak. Anya, buti pa ang mga kuliglig, walang Math na dapat ipasa. Di nila kelangan mag-cheat sa test. Basta kumakanta lang sila sa tinig na dire-direcho hanggang dulo, gaya ng boses ni Mr. Bean, sabi nya.

Kaya importante ang kuliglig at mga dambuhalang puno na tirahan nito. Hayaan nating manatili ang ilang mga puno sa Ocho, at dagdagan pa nga natin, para dumami pa ang mga kuliglig at iba pang mga hayop na kinakanlong ng mga puno---at mga mysteryo, syempre. Saan magtatago ang mga White Lady kung walang puno? Tandaan, pag wala mga kuliglig, madaming tao ang mabubu-ang dahil sa Math, at iba pang prublema.


MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Wednesday, April 9, 2025

Mga Patok Gawin Nitong Semana Santa sa Project 8 Kung Hindi Kayo Mag Out-of-Town


Di ka uuwi sa probisnya at dito ka lang sa Ocho? OK, sama-sama tayo. Dito rin lang kami ng mga Ocho Boys sa Project 8. Walang nag-invite samin magbakasyon o mag-solve ng mysteryo sa probinsya kaya dito kami tatambay. Kung gusto mo kami makasama, dito kami madalas sa may Mercury Drug sa Short Horn o kaya dyan sa Road 20 malapit sa Lotto. 

Bisita Iglesia sa Ocho


Kahit dito ka lang sa Ocho pwede. Unahin mo sa Our Lady of Perpetual Help sa Congressional Village.  Tapos sa Immaculate Conception sa Premium Street. Tapos daan ka ng Santo Cristo Chapel sa Road 20 and then kabig ka sa Holy Family Parish sa Taas, corner ng Actuarial and Assistant. Pwede mo din pala unahin ang Ina ng Laging Saklolo sa Sitio Militar tapos daan ka na din sa Sto. Nino sa Bago Bantay. 

O nga pala, meron din Our Lady of Annunciation Parish of the Incarnation sa Mindanao Avenue near Tandang Sora. Gusto mo lakarin mo lahat yan (penitensya ka) o mag-tricycle ka---upahan mo mga Ocho Boys. Ano kaya subukan mo mag Grab angkas? Ipa-uso mo kontrata, ikot Bisita Iglesia, i-aangkas ka sa lahat ng chapels na yan. Magkano kaya?

7 Last Words sa Youtube


Punta ka sa Toro Hills plaza, dun sa basketball court, sumilong ka sa lilim ng mga puno, dun sa medyo tahimik, at dun ka makinig o manood ng 7 Last Words sa youtube o kahit anung site. O kaya dun ka sa plaza ng Holy Family sa Taas, merong kapihan dun. Kape ka habang nakikinig at nagsisisi ng kasalanan. Sana lang bukas yung coffee stand dun. Kung sarado, baka bukas yung Kape Tito. Masarap din mga pastries nila dun. Kung sarado lahat, unuwi ka nalang. 

Food Trip sa Project 8


Libutin mo yang Short Horn, andaming kainan dyan. Pero kung sarado sila, punta ka ng palengke ng Save More (o sa Save More grocery mismo) at bumili ng isda at seafoods. Agahan mo na, I mean, mamalengke ka ng Lunes or Martes Santo palang, tapos i-ref mo para me pang foodtrip ka sa Holy Thursday at Good Friday. Wag kakalimutan ang uling, sili, toyo at suka. Mag-ihaw-ihaw ka habang inaalala mga nagawan mo ng atraso at kasalanan. Pati pag-mumura mo. Pagka-kain mo, magsisi ka at magbagong buhay. 

Walking Pilgrim sa Junction


Nagawa na naming mga Ocho Boys ito minsan. Mga alas-sais or 5.30am, lumakad ka na at umikot sa Ocho. Kung gusto mo, daanan mo mga chapels na nabanggit na, or lakad ka lang para mag-muni-muni. Effective yan pag maaga pa lang. Nakaka-bait at nakaka-payat pa. Ang suggestion ko, lakarin o kahabaan ng COngressional or Short Horn or General Avenue. O kaya Benefits, OK na yun. 

Mas OK yung sa Tandang Sora Junction, yung pampuntang Walter sa Quirino. Merong walking area dun, maganda, mapuno at tahimik. Madami ding joggers and walkers. Saan ito? Sa dulo ng General Avenue, kaliwa ka sa Tandang Sora. Then konting lakad lang makikita mo na yung bagong junction dun. Kumanan ka dun at bubulaga sayo yung walking and jogging paradise na ito. Sige, pa-uso natin yung Walking Pilgrim. 

Pabasa


Nung bata ako, andami kong nadidinig na pabasa all over Ocho. Andami nyan, naka microphone pa and loud speaker. Ngayon, di ko na napapansin. Pero I'm sure, meron pa rin yan. Maghanap ka at makinig o lumahok sa Pabasa. May libreng pa-meryenda yan, for sure. Pwede ka din makinig nalang sa radio o online, pero iba pa rin yung andun ka mismo. 

Halo-Halo


Mag-halo-halo ka buong Holy Week para magpa-lamig. Saan patok ang halo-halo sa Ocho? Try mo sa Kabigting sa TDK Bldg, Congressional Ave, Bago Bantay, o kaya sa Pares Retiro sa Short Horn. OK din halo-halo sa Leoning's sa Short Horn din. Baka open din ang Nila's Halo-Halo sa Short Horn pa din, medyo katapat ng Baliwag Lechon Manok. Unique daw halo-halo nila. Puntahan ko nga sa Holy Wednesday para ma sampolan. 



Basta ang importante, alalahanin mo ang ginawa ni Hesus sa krus para sa kasalanan mo. Imbis na tayo ang mamatay dahil sa kasalanan, siya nalang namatay, para iligtas tayo. Pag naniwala ka ng wagas sa ginawa Nyang yan, at itu-on ang buhay mo sa Kanya, OK ka na sa Diyos. Yan ang mahalaga pag Semana Santa, hindi lang yung outing o bakasyon. 


MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Monday, April 7, 2025

Walking Tayo ng 7 Kilometers, May Touch ng Kababalaghan Pa


Tara walking tayo. Itong summer of 2025, mag walking ka na. It's the best time to do it, ka-Ocho. Samahan mo pa ng mystery adventure dahil me mga unconfirmed kwento ng kababalaghan ang ilan sa mga rutang ito, according to our Ocho Boys. Tamang-tama, pag summer at malapit na ang Semana Santa, may mga kwento ng kababalaghang umiikot sa sirkulasyon.

Project 8 in Quezon City (Ocho) offers a variety of routes for walking enthusiasts, and crafting a 7-kilometer walking route can be both enjoyable and beneficial for fitness. In fact, yung mga trainees ng BJMP madalas nating nakikita nagjo-jogging sa mga villages natin. Here’s a suggested route that combines convenience, safety, and scenic elements (pasyal-pasyal din pag may time):

Starting Point: Congressional Avenue  

Begin your walk at Congressional Avenue, sa may tulay ng Pugad Lawin, a bustling area with wide sidewalks. Sabi ni Prof. Pekwa, banda dyan daw talaga ang Sigaw ng Pugad Lawin ng mga katipunero noong 1890s. At nung minsang ginabi sya ng uwi at naglalakad dyan, me nakita daw syang aparisyon ng mga katipunero naglalakad sa may tulay. Yan ang Kwentong Otcho nya.

Very vibrant at buhay na buhay na ruta yang Congressional Avenue, wag lang pag gabing-gabi at sa madaling araw. This stretch is ideal for warming up as it provides a straight path with minimal interruptions. Head towards the intersection with Short Horn at derechuhin mo na yang Short Horn na yan to Road 20. Derechuhin mo Road 20 then turn left to General Avenue.

General Avenue Loop

General Avenue---may parteng nalililiman ng malalaking puno ng mangga dyan. Dyan tumatambay mga Grab delivery na naka trike, o yung mga motor-angkas. Nagkwekwentuhan sila dyan habang nagpapahinga o nag-aantay ng call. Minsan nadinig ko meron daw kababalaghan ng White Lady somewhere dyan pag malalim na gabi. 

May lumang building dyan sa mga puno ng mangga. Sabi ni Sikyong Pedro at Lowie, minsan daw naglalakad sila dyan isang early morning ng Mahal na Araw (madilim pa) para bumili ng pandesal sa bakery sa may tulay ng Assistant. Aba, may dumungaw daw sa old building na yan, maitim na lalaki. Anyway ang General Avenue offers a more relaxed atmosphere for walking, with residential surroundings and less traffic. Tapos, tuloy mo lakad sa Assistant, Auditing, Legal, Benefits at tumbukin mo ang GSIS Avenue.

GSIS Avenue to Shorthorn Street

From General Avenue, transition to GSIS Avenue and continue walking until you reach Shorthorn Street. This segment adds variety to your route, as it passes through a mix of residential and commercial areas. Daan ka na din sa McDo or Dunkin Donuts for a quick breakfast, o kaya pagupit ka bigla sa Supremo. Bili ka na din ng maintenance mo sa Mercury Drug at Braso de Mercedes sa Red Ribbon.

Shorthorn Street to Road 20 to Mindanao Avenue

Follow Shorthorn Street then turn left to Road 20 again until you reach Mindanao Avenue. Dati dyan sa Road 20, may part dyan na merong balon ng tubig na merong mga kababalaghan, sabi ni Boy at Bisoy, nung bata pa sila. Meron daw natagpuang mga kalansay sa balon. Mga around 1970s yun. Anyway, Road 20 and Mindanao Avenue is a longer stretch, perfect for maintaining a steady pace. Mindanao Avenue is a major road, so be cautious and stick to the sidewalks.

Return via Congressional Avenue

Complete the loop by heading back to Congressional Avenue. This final stretch will bring you back to your starting point, completing a 7-kilometer circuit, more or less. Naka workout ka na, naka-pamasyal ka na, meron pag kababalaghan adventure. Don't miss this fun this summer. 

This route is designed to be safe and accessible, with sidewalks and pedestrian-friendly areas. It also offers a mix of urban and residential scenery, making your walk both engaging and refreshing. Remember to wear comfortable shoes, stay hydrated, carry an umbrella if need be, and enjoy the journey!

MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Tuesday, May 7, 2024

Alamat ng Ice Candy


Pag tag-init, kelangan alam mo ang alamat ng ice candy. Nagsimula yan sa tindahan ni Aling Asyang sa hilagang parte ng Quezon City, malapit banda sa Ocho. Nag titinda sya ng sari-saring prutas at mga pang-grocery. Syempre me yelo din sya. Uso na yelo nung 1950s kasi 1913 naimbento ni Fred W. Wolf ang prididyer at 1950s dumating yan sa Pilipinas. Di ko alam kelang dumating yan sa Ocho. Siguro nung 1963?

So si Aling Asyang abala sa pagtitinda nung summer ng 1953, madaming kutsero at taxi drivers ang nag-stopover sa store nya at bumibili ng samalamig---sago't gulaman pa ang tawag. Isang gabi, dahil sa sobrang pagod, basta nilagay nalang nya lahat ng paninda sa plastic na supot at tinambak sa freezer compartment, ika nya para walang mapanis. So nagtigasan lahat yun buong gabi. Kinabukasan, ayon! Nakita nya na nahalo ang mga prutas sa yelo, gatas at arnibal. Napa-iyak sya. Paano mabebenta yan e, nagka-halo-halo na. 


Shorthorn Road


Una, naisip nyang ibenta as halo-halo. Kaso nasa plastic bag at dumikit na dun sa plastic lahat. Sa puntong yon, dumating si Mang Andy, asawa ni Aling Asyang, at uhaw na uhaw ito. "I need water with yelo," ika nya, at gusto din nya ng mga malamig na prutas. Anything malamig, pero wag namang solid yelo lang. Nakaka-ngilo daw. E sabi ni Asyang, wala, dahil tumigas lahat sa freezer. Yelo lahat. Kahit tubig wala. 

Sa desperasyon ni Mang Andy, sinunggaban nya ang plastic bag na me halo-halong laman at yelo, kinagat ang plastic at sinpsip---flavored yelo na sya. "Aba masarap! Matamis, parang yelong candy!" sabi ni Andy, at tuloy-tuloy na ninamnam ito. Nag try din yung ibang nakakita at nagustuhan nila. Masarap na dessert daw at nakakapag-pa-pawi pa ng init. "Ano ba to?" tanong nila.


Jersey Road


E wala pang Tagalog ng candy noon. At di naman sila sanay tawaging "ice" ang yelo. Kaya sinabi nalang nila, "yung tinda ni Asayang at Andy!" Kaya gumawa ng madaming ganito si Aling Asyang, nakalagay sa plastic bag at pinapa-yelo. Twing me bibili, sasabihin lang ng bibili, "Yung tinda ni Asyang at Andy, isa." Kinalaunan, nakilala na ito sa "Asyang-Andy." Tapos, shinort cut pa, naging, "As-Andy." 

Di ba mahilig tayong mga Pinoy sa shortcut? Yung Quiapo nga dati (before pandemic) shinorcut ng mga barker ng "Kapo." Tas yung Project 8 naman, "Jeket." Buti hindi sinabi ni Willy, "Bigyan ng jeket yan!" 😂 Teka, napalayo na alamat natin. Back to the alamat.

Hanggang sa, yun na nga. Tinagwag nang, "As-Andy," and later, "Ays-endi." 

Hindi naman ice candy yan talaga, kundi, "As-Andy." 😂 Kaya baguhin nyo spelling.

--------------------------------

MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Friday, April 19, 2024

Ang Lalaki sa Manager Street


Minsan, early morning ng April na hindi pa mainit, naglalakad si Derek sa Manager St. papuntang Claims at Dalsol (walking para sa health daw, sabi nya), napansin nya ang isang lalaki na papunta din sa Benefits St. Ito din yung lalaking nakita nyang naglalakad sa Sinagtala, malapit sa Pizza Hut at RCBC sa Congressional Avenue, nang minsang me pinagawa sya tungkol sa electronics banda doon. 

Oo sure nya, same guy. Around 30 years old, mataba, medyo kulot na hindi naman, naka-long sleeves, naka-kurbata at me hawal na attache case. Parang attorney na salesman na medrep. Papasok na siguro sya that early morning, siguro sa Unilab. Mukang magaling na ahente, mukang malaki ang kita. Pero walang kotse. Siguro di pa kumokota. Madaming naglalaro sa isip ni Derek habang pinagmamasdan ang lalaki na nasa kabilang side ng kalye. 

Sa Benefits huminto ang lalaki at mukang naghihintay ng jeep. Nilapitan sya ni Derek na nasa mood mangulit ng mukang dayo. "Nakita kita sa Sinagtala nung isang hapon. Taga dun ka ba?" tanong nya na nakangiti. Muka naman friendly si Derek minsan. Pero madalas muka syang bulldog. Sa bagay, naka-ngiti naman minsan ang mga bulldog.

Tumango lang ang lalaki. Naka-tunog sya na makulit type si Derek. Yung parang nabaliw dahil sa matinding gutom.

"Attorney ka no?" Tanong ni Derek.

Ngumiti and lalaki tapos umuling. "Di po."

"Medrep?"

Umiling uli ang lalaki na lalong nangiti. Ibig sabihin, lalong hindi sya medrep.

"Salesman"?

Umiling uli ang lalaki.

"Eh, ano ka?"

Mukang alangan sumagot ang lalaki, kaya naisip nya na magpakilala nalang. "Eh, sir, ako nga pala si Floro." Inabot nya kamay nya at nagkamayan sila ni Derek.

"OK Floro, ako si Derek, Rek for short. Na-iintriga lang ako sayo. Ano ba trabaho mo?"

Gusto sanang sabihin ni Floro na, "anu ba pakialam mo?" kaya lang hindi sya taga-Ocho at baka mapasama pa sya. Ayaw nya magulpi. Kaya naging patient nalang sya. "Nakakahiya po, sir, hehe" sabi nya.

Nagduda ng tingin si Derek. "Di ka naman kaya pusher o druglord?"

"Naku, sir, hindi po!" tanggi ng lalaki.

Dumating ang jeep pa-Munoz at naka-hinga ng maluwag si Floro. At last, matatapos na interrogation sa kanya ni Derek. Pagsakay at pag-upo nya, nagulat sya nang nakaupo na din sa harap nya si Derek. "Me bibilhin lang ako sa Walter," paliwanag ni Derek nung nakita nyang nagulat si Floro.

Bumaba si Floro sa me Mercury Drug sa Congressional, at gayon din si Derek. Nag-abang si Floro sa EDSA, at inaasahan nyang aakyat na sa footbridge si Derek. Pero tumayo din dun si Derek sa tabi nya. "Sir, doon po ang Walter," sabi ni Floro. 

"Alam ko," tugon ni Derek. "Dito ako lumaki no!"

"Eh, bat po nakatayo kayo dito? Me iba pa ba kayo pupuntahan, sir?"

Tumingin lang sa malayo si Derek. Me kutob sya na me masamang ginagawa si Floro, at yun ay ginagawa nya sa Project 8. Hindi maari yun, ika ni Derek sa sarili. Di ko papayagang sa Ocho nya pa gagawin yun. 

Pinara ni Floro ang parating na bus at sumakay na sya. Aba, sumakay din ang Derek. Umupo si Floro sa likod, at tinabihan sya ni Derek doon. Di naman umalma si Floro dahil karapatan ni Derek umupo kung saan nya gusto. Lumapit na ang kunduktor ke Derek. "Saan ka sir?" tanong ng kunduktor.

Lumingon si Derek ke Floro. "Saan tayo?"

"Po?" 

"San tayo pupunta?"

"Malay ko sanyo sir," sagot ni Floro. "Di naman tayo magkasama."

Nilingon ni Floro ang kunduktor. "Sa Monumento, isa."

"Monumento din ako," sabat ni Derek. 

"Kala ko po sa Walter kayo?"

"Me Walter din dun, papasyalan ko. Bakit ba?" sabi ni Derek. 

Pagbaba ni Floro sa Monumento, naglakad sya sa Victory Liner Terminal at sumakay sa bus. Ganun din si Derek. Tinignan lang nya si Derek pero di sya uli umalma. After all, lahat ng tao me karapatang sumakay sa Victory Liner. Umandar na ang bus at nag-relax na si Floro. Katabi nya si Derek na patingin-tingin sa kanya, tinging me hinala. 

Maya-maya, eto na ang kunduktor. "San kayo, sir?" tanong nito ke Derek. 

"Ewan ko sa kanya?" sabi ni Derek sabay turo ke Floro ng nguso nya. 

"Abra, isa," sabi ni Floro.

Nanlaki mata ni Derek. Natauhan sya. Mapupunta sya ng Abra ng di oras. Isang daan lang pera nya dahil ang original plan nya ay mag walking lang sa Ocho, mag dalandan juice sa Dunkin sa me Shorthorn para ma-refresh, tapos mag tricycle pa-uwi. E bat ngayon nsa bus sya pa-Abra? "San po kayo, tay?" usisa ng kunduktor sa kanya. 

"E teka, hindi ako pupuntang Abra. Ipara nyo na ako sa tabi!" sigaw ni Derek.

"Ay di po tayo pwede pumara, sir. P2P po tayo hanggang Abra," pa-inis na sagot ng kundutor.

"E, wala akong pera papuntang Abra!"

"Eto sir," biglang sabi ni Floro sa kunduktor. "Ako na magbabayad para sa kanya."

Tinikitan ng kunduktor si Derek. 

Saglit na nakahinga si Derek. Sumandal sya at nag-relax. Pero me naisip sya. Nilingon nya si Floro na me pagaalala. "Teka, wala nga akong pera. Pano ako babalik sa Manila nito?" tanong nya.

"Ano po ba trabaho nyo? Bat wala kayong pera?" tanong ni Floro.

"Ume-extra lang ako sa tricycle sa Ocho!"

"Ah, OK.....OK naman pala sir. Wag ka mag-alala."

Nagtaka si Derek. "Bakit? Anu ibig mo sabihin?"

"Pwede kayo mag tricycle sa Abra. I-rerekumenda ko kayo sa TODA dun."


MGA TAUHAN: 

Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Wednesday, March 6, 2024

Pag Marso, Dalhin Lahat


Pag Marso, simula ng roadtrip pa-province yan. Masarap umuwi saglit sa probinsya para mag unwind, makalimot, mag refresh, magpahangin, magbakasyon, sleepover, magtanan, mag kape. Kaya excited na ko pag March, me mga nagpapa-utos kasi magbayad ng amilyar sa province, like sa Amador, Tagaytay, or time to check the rice harvest sa Nueva Ecija. Nakaka bato din kasi sa Manila kahit busy ka araw-araw. Nakaka-drain and burnout. Kaya luwas ka muna.

Iba pa yung Mahal na Araw. Mass evacuation yan from Manila to the provinces for a long vacation. Yung sa Marso pang short trips lang muna. Gaya nang magawi sina Mr. Bean at Pareng Babes sa Malolos para magbayad ng amilyar sa municipyo. Mabilis lang naman byahe, sakay lang pa-Munoz tas abang ng byaheng pa-Malolos. Nasakyan nila non UV Express, 45 minutes lang nasa Malolos na sila. Pero syempre, si Mr. Bean, parating me sablay na gagawin yun. Nung nakapila na sila sa bayaran, di pala nya dala yung pambayad.


So nag-call sila ke Prof para sabihin yung bad news. Napa-nganga nalang si Prof and no choice sya kundi utusan si Boy sumunod sa Malolos para dalhin yung bayad. Ayaw naman nyang nagiisa sya so sinaman nya si Bisoy. Hinila na rin nila si Victor kasi tapos na nya ibenta taho nya. Lumakad yung tatlo and after 45 minutes or so andun na sila sa Malolos. Later, nagkita na sila nila Mr. Bean and Pareng Babes. 

Alam nyo nakalimutan nila Boy? Yung resibo ng amilyar last year. Hinanap sa kanila yun. 

So call uli sila ke Prof. Sa yamot, dinala na ni Prof lahat ng kelangang papels, pati diploma nya. Malay ba nya kung ano nanaman ang hanapin sa municipyo. Baka excuse letter? Para sure ba, dalhin na lahat-lahat. Pag dating nya sa municipyo ng Malolos, at matapos magbayad, 12.30 na ng tanghali. Syempre gutom na sila lahat. Naghanap sila ng turo-turo. Sa bandang tulay, me karenderia, at madaming kumakain. Syempre pag ganon, ibig sabihin masarap pagkain dun. Lalo't mga drivers ang kumakain. Magaling ang panlasa ng mga drivers.

So order sila. Yung mga Ocho boys umorder ng:
  1. Inihaw na tilapya at hito
  2. Nilagang baka
  3. Pesang dalag
  4. Inihaw na liempo
Hihirit pa sana si Mr. Bean ng pinapaitan pero humindi na si Prof. Si Mr. Bean kasi ang punot-dulo bat sumablay ang pagbabayad ng amilyar at bakit dumami pakakainin ngayon ni Prof. Syempre tag 3 cups rice bawat isa sa kanila. Tas paguwi mamya, tatambay pa mga yan para maka-miryenda and sa gabi  naman para maka-beer. Ang plano sana ni Prof sila Boy at Mr. Bean lang lilibre nya.

Madami pang kwento itong summer ang mga Ocho Boys. Abangan...


MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Sunday, April 10, 2022

Lunes Santo



Ang lalaking itim. 


Mga isang oras ding naka-upo sina Sikyong Pedro, Golem, Dagul at Sabas (apat na hari) sa tapat ng white house sa Project 8. Earlier, me itim na anino daw na nagpapakita dito. Kababalaghan siguro. Pero alam nilang apat na me kalokohang magaganap, hindi kababalaghan. Merong hindi tamang nangyayari sa white house na gawa lang ng tao, hindi multo.

Photo above by David East on Unsplash.

Maya-maya, me tumalon sa bakod galing sa loob ng white house. Naka-itim ito. Pag-landing nya, nagulat sya sa apat na hari. Nagulat din sa kanya sila Sikyong Pedro, Golem, Dagul at Sabas. Saglit silang na-freeze lahat, di alam kung ano ang gagawin. Nakita ng apat na hari na malayong multo ang nakikita nila. Tao ito! Kaya napasigaw si Totoy Golem. "Hooy! Anong ginagawa mo dyan?" Sabay pito ni Sikyong Pedro. "Prrrt!!!"

Karipas ng takbo ang lalaking itim. Ngayon, nasiguro nilang walang kababalaghan sa white house. Pero ano ang pakay ng lalaking itim? Kasabwat ba nya si Lola Oyang? Pati kaya si Gerald d Dyaryo Bote ay sangkot? Sangkot saan? Krimen ba ito? Hinabol nila ang lalaking itim pero mabilis itong naglaho sa mga madidilim na bahagi ng kalsada. Palos ito sa takbuhan, akyatan at pagtakas. Parang atleta sa pag-galaw. Hindi pwede si Lola Oyang yun, ika ni Sabas. 

"Obvious ba?" sabat ni Golem. 



"Wag kayong pakaka-siguro!" ika naman ni Sikyong Pedro na frustrated detective. Dahil sa kakapusan sa pera ng family nya, di na nya natapos ang kursong Criminology. Di pa nga nya natapos ang first year. Kaya nag security guard sya. At least, medyo konektado, sabi nya sa sarili noon. "Malay ba natin kung me super powers si Lola?"

Nagka-tinginan sila Golem, Sabas at Dagul. 

Na-kwento ng apat na hari sa Ocho Boys ang kaganapan sa white house at ang habulan na sumunod. Nag-tawanan lang ang mga Ocho Boys at na-uwi na ang usapan sa bakasyon nila. Doon sa baryo nila Totoy Golem. "Hayaan nyo na nga yang white house na yan!" sabi ni Mr Bean. "di tayo yayaman dyan! Atlis sa bakasyon mabubusog tayo at mag-e-enjoy! Di ba Golem?"

Alanganing tumango si Golem. Maganda sa baryo nila pero me konti lang syang pangamba, lalo na sa gabi. "Siguro sa dami namin matatakot na ang mga elemento na magparamdam," sabi nya sa sarili. At sa kulit ng mga Ocho Boys, baka magsi-layas lahat ng kaluluwang ligaw. Hehe, natawa pa sya sa sarili. 

Na-delay pa nga ang bakasyon. Ang plano kasi, aalis kami ng March 11. Pero dahil anlaki ng natalo sa ilang Ocho Boys sa e-sabong, umabot tuloy ang alis namin ng April 11. "Biruin nyo, isang buwan ang antala!!!!" sabi ko sa kanila. "Wala talagang matinong kahihinatnan yang sugal!" pangaral ko. Para namang mga maamong aso (hindi tupa) ang mga mokong na nakinig sakin. "Dahil dyan, kelangan mag-bible study tayo doon sa baryo ha!"

"OPO!" sagot ng lahat. Natawa lang si Prof. 

Kaya Lunes Santo, humayo kaming lahat nang alas kwatro ng umaga sakay ng dalawang van. Buti't sinagot ni Mang Cardo ang rent sa van at drivers nito, plus nagpa-lakip pa ng Php 10K sa amin ni Prof, dagdag pang gastos daw ng Ocho Boys sa bakasyon nila. Si Mang Cardo ay mysteryosong milyonaryo sa Ocho na nakatira somewhere near Short Horn Road. Para sa background check ke Mang Cardo, click here. Tuwang-tuwa naman ang mga Ocho Boys, syempre. "Sana pala tinaya ko na yun ipon ko!" sigaw sa galak ni Pareng Babes, sabay tingin sa akin at takip ng bibig. "Taya sa lotto, Jaden," habol nyang paliwanag. 

Kaya ayun, tinahak namin ang Mindanao Avenue papuntang NLEX. 

[Itutuloy]

MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon. 

Wednesday, March 16, 2022

Port Eye Daw ni Rald


Mysteryosong Bakasyon 3


"Port eye?" ulit ni Derek. "Baka terd eye ibig mong sabihin," pag-tama nya. "Nakakakita ka pala ng di namin nakikita! Meron kang sick sense!" excited nyang bulalas. Kumunot ang noo ni Golem. First time nya narining yung sick sense. "Me sakit ka sa mata, Rald?" tanong nya ke Gerald d Dyaryo Bote.

"Basta ang tawag nila sa probinsya namin, port eye. Kasi yung terd eye daw yung mata sa likod. Alam mo nangyayari sa likod mo kahit di mo tinitignan," paliwanag ni Gerald. "Yung port eye yung nakakakita ka ng mga kaluluwa at multo," dagdag nya. "Sa paglilibot ko sa Ocho dahil sa pangangalakal ko, sari-sari nakikita kong kababalaghan!" 

Nagitla ang mga Ocho boys. "Yung pip eye naman yung me malaking tigyawat ka sa noo!" biro ni Mr. Bean. Walang natawa. Ang focus ng lahat ay sa kababalaghang nangyari.

"Ibig sabihin, multo ang pumasok sa bakuran namin at tinulak ako?" tanong ni Lola Oyang. 

"Siguro. Di ko tyak kasi duda ako," sagot ni Gerald.

"Ba't ka duda?" halos sabay-sabay na tanong ng mga Ocho Boys.

"Kelangan bang manulak ng multo?" puna ni Gerald.

"Di ba pwede ring manulak o manakit ng mga multo?" sabi ni Badong. Biglang sabat naman ni Sabas. "Hindi pwede yun. Madaya pag ganon. Scam!" 


Natapos ang usapan nila sa pagyaya ni Derek na mag-kape muna sila sa karenderia ni Aling Lori. Sabay bili na rin nila ng biskocho na galing pa daw Laguna, ika ni Aling Lori. "Isa pang masarap sa Laguna yung ubeng halaya. Masarap din sa kape yun! Ngayong summer paparoon kami ni Boyet doon at bibili ng mga kakanin. Bumili kayo sakin ha!" 

"Pero teka, mabalik ako dun sa bahay na puti, dun sa me nakitang itim na tao daw itong si Gerald. Palagay nyo multo talaga yun?" tanong ni Mr. Bean. "Nilibot natin ang lugar at sumilip tayo sa mga bintana ng bahay pero wala tayong nakitang tao. Baka nga mumu yun!" conclusion nya.

"E dito sa karenderia ni Aling Lori, me nakikita ka ba?" tanong naman ni Pareng Babes ke Gerald d Dyaryo Bote. "Tumingin-tingin naman si Gerald sa palibot. "O..o...wag mong sabihing me multo din dito sa karenderia ko!" babala ni Aling Lori. "Baka masira ang negosyo ko!" Natawa si Mang Boyet.




Kinagabihan, maalinsangan ang panahon kahit alas onse na ng gabi, at habang nagbabantay si Sikyong Pedro sa gate ng subdivision, merong tatlong aninong papalapit sa kanyan. Marahan silang lumakad, waring nagiingat na di sila makagawa ng masyadong ingay. "Ready na kayo?" bulong ni Sikyong Pedro sa kanila. "Op kors," sabi ng tatlo. "Sige, dito ka muna Pareng Babes, bantay sa gate," bulong uli ni Sikyong Pedro. "Sure!" sagot naman ni Babes habang umiinom ng ice-cold bottled water para ma-ibsan ang init ng summer night.

Tumuloy na si Sikyong Pedro, Golem, Dagul at Sabas (ang tatlong anino) papunta sa puting bahay at umupo sa gutter ng kalye sa tapat nito. Magmamatyag sila at titignan kung me mga kahina-hinalang galaw sa loob ng puting bahay--mysteryo man o kababalaghan o KABALBALAN. Medyo duda kasi sila na me multo talaga sa bahay na yon--at duda din sila sa "port eye" ni Gerald.

Pero bigla nalang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Kinilabutan sila sa biglang pag-palit ng temperatura, at tila me dalang kung-ano yon mula sa kabilang daigdig.



MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Monday, March 7, 2022

Mysteryosong Bakasyon 2


"Saan ba prubinsya nyo?" tanong ni Prof.

Kanina kasi, habang nag-uusapan ang Ocho Boys about bakasyon kila Totoy Golem (habang kumakain sa karenderia ni Aling Lori) na-daan si Prof. Sinabihan nila agad si Prof tungkol sa bakasyon grande nilang 3 days-2 nights at interesado naman ito. Sumagot si Totoy Golem ke Prof. "Sa La Union, sir! Sa dulo ng San Grabiel sir!" proud na proud na sinabi ni Golem. 

"Sure ka?"

"O naman Prof!" sagot ni Golem.

"Kasi nung isang summer sabi mo sakin sa Dagupan probinsya mo. Tapos nung isang summer ulit sabi mo sa Catanduanes kayo. Tapos me isang summer sabi mo sa Romblon."

Kamot ng ulo si Golem. "Madami po akong probinsya, Prof. Hehehe!" Agad iniba ni Golem ang usapan. Sabi niya: "Teka, kain ka muna Prof! Upo ka dito!" Nagbigay daan ang mga Ocho Boys para maka-pwesto si Prof ng kumportable. Hinainan ni Aling Lori ng kalderetang baka, menudo at tortang talong--mga favorites ni Prof. Syempre, me libreng mainit na sabaw--na "pinag-kuluuan ng medyas ni Mang Boyet" (asawa ni aling Lori) "at nilagyan lang ng paminta, sibuyas at ilang dahon ng malunggay," biro ni Pareng Babes.

Humigop si Prof ng sabaw at nilingon si Mang Boyet. "OK medyas mo ha!" 



"Healthy po yan, me malunggay," sagot ni Mang Boyet na waring siryoso sa binabasa nyang tabloid. Walang lingon-lingon. Natawa lang si Aling Lori. "So, final na ang March 11, sa Biyernes?" tanong ni Aling Lori habang nagpupunas ng ibang lamesa na wala ng customer. "Me sasakyan na ba?" Napa-tigil lahat ng Ocho Boys at nagka-tinginan sila. Di pa pala nila natalakay yun. "Haay nako! Pano kayo makakarating sa La Union nang walang sasakyan?" sabi ni Prof sabay tapal sa noo nya. 

"Gerald, alam ko wala kang pamasahe kaya magsimula ka ng maglakad!" biro ni Dagul. 

Biglang umalis si Gerald d Dyaryo-Bote at tumakbo. Nagulat silang lahat. Di yata't napikon si Gerald at nilayasan sila. "O, matampuhin pala yang si Gerald?" sambit ni Pareng Babes. "Di na mabiro. Biglang naging ma-drama!" Kinantyawan nila si Gerald kahit wala na ito doon. "Kung kelan naman tumanda dun pa naging maramdamin!"

Walang anu-ano, biglang me sumigaw sa di kalayuan. Tinig ito ng isang babae sa bahay na puti dun sa tabi ng malaking fire tree. Mga 50 meters ang layo nito sa karenderia kung saan nagpapahinga at nagkwe-kwentuhan ang mga Ocho Boys kasama si Prof. Saglit na natulala silang lahat, pero inutusan sila ni Prof. "Tignan nyo nga kung ano yun!" Agad namang pumunta sila Totoy Golem at Dagul, dalawang malalaki ang katawan, nasa likod nila ang ibang Ocho Boys. Kung baga, silang dalawa ang frontliners pag me gulo sa lugar nila.

Pag-silip nila sa medyo naka-uwang na gate ng puting bahay, nakita nila si Gerald d Dyaryo-Bote. Inaalalayan nito ang isang matandang babae na nakaratay sa baldosa ng garahe. "Ano yan Rald?"tanong ni Golem. "Nawalan ng malay si manang!" sagot ni Gerald. Pumasok ang mga Ocho Boys sa garahe at tumulong, ang iba ay pinaypayan si lola. "Kumuha kayo ng tubig!" sabi naman ni Pareng Babes. Me kumuha nito sa karenderia at pinainom si lola nang magka-malay na. 

"Ano ba nangyari, Rald?" Tanong uli ni Golem.

Si lola ang sumagot. "Me nakita akong lalaki! Hindi, hindi lalaki....pero teka...oo lalaki ata!" medyo magulo ang description ni lola. "Sino po ba kayo, lola? Parang ngayon ka lang namin nakita sa lugar namin," sabi ni Badong. "Ako si Oyang, pinsan ng may-ari nitong bahay. Pinababantayan ito sakin habang nasa States ang pinsan kong may-ari. Kahapon lang ako nagsimulang magbantay dito."

"Oo nga. Bakante nga itong bahay na to, matagal-tagal na rin," puna ni Mr. Bean. "E, sino po ba yung lalaking nakita nyo? Magnanakaw ba?" tanong ni Mr. Bean. Umiling-iling ang matanda. "Muka syang lalaki, pero hindi naman. Pero mukang lalaki," anang lola. "Ah, tomboy!" sigaw bigla ni Badong, na parang nanalo sya sa lotto. "Baka bading!" sabat din ni Mr. Bean. Napa-simangot ang matanda sa kanila. "Ibig kong sabihin, muka syang tao---lalaki---pero parang iba at puro itim lang ang nasa mata nya!" Kitang-kita ang hilakbot sa mukha ni lola. 

"Kaya ka ba biglang napa-takbo kanina, Gerald?" tanong ni Golem. 

Tumango-tango ito.

"Kala namin nagtampo ka na e," sabi ni Dagul. "Kala namin nag-bes actor ka na!"

"Pang Pamas," singit ni Derek, isa sa mga Ocho Boys na tricycle driver din.

"Ako pa! I hate drama, no!" english ni Gerald d Dyaryo-Bote. "Nakita ko kasing me itim na aninong sumlpot mula dyan sa malaking puno na yan at pumasok dito sa gate ni lola. Kaka-ibang tao sya kaya bigla akong tumakbo papunta dito, lalo na nung me nadinig na akong sumigaw. Baka kako me masamang ginawa ang nilalang na yon! Ayun nga, pagdating ko dito, nakita ko nahimatay na si lola!"

"Teka," urirat ni Golem, "nakita mo yung itim na aninong kakaiba? E nakatingin din kami sa gawi dito pero wala man lang---ni-isa---sa amin ang nakakita din nito? WHY, Gerald? WHY? Why are you see it?"

Parang ayaw sumagot ni Gerald, halata nya kasing wrong grammar si Golem. Ayaw din nyang sumagot sana kasi baka hindi sya maintindihan pero nakita nyang nakatitig lahat sa kanya, pati na si lola Oyang. Kaya sumagot na sya...."may port eye ako..."


MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Mysteryosong Bakasyon


Summer na--March 08 to be exact. Me pasok pa mga schools pero tyak ko summer vacation na ang laman ng utak ng mga estudyante. Parang mali ang scheduling at dapat mag-adjust ang mga schools. Iba pa rin pag kalahati or three-fourths ng March summer vacation na. 

Photo by Anthony Young on Unsplash.

Anyway, nag-usap-usap ang mga Ocho boys sa tricykelan. Una tungkol sa Russia at "Ukren," ika ni Gerald d Dyaryo-Bote. "Grabe topak ni Puteng!" giit nya, at muntik pang mapa-mura. Buti na-awat agad ni Badong. "O-o-o!!! Pwera mura! Magmamahal na Araw na!" At tapos na-uwi sa Level 1 ng Covid ang usapan, tapos sa eleksyon. Syempre debate yan, Pink versus Red. Nagka-initan ng konti, kasi din summer na, kaya mainit. At tapos nabanggit ni Totoy Golem ang nayon nila. 

"Sa probinsya namin, presko ang hangin kahit tag-init! Tabing bundok kasi at me palayan at kakahuyan. Me malinis na ilog pa nga!" ika nya. "Kubo-kubo lang mga bahay kaya maaliwalas!"

"E di tara nang magbakasyon dun!" suggestion ni Dagul. "Tignan natin kung totoo mga sinasabi mo!"

"O nga! Baka puro drawing lang yan!" hamon din ni Pareng Babes na nanunubok ang tingin.




E di ayun na. Nag-diskusyon na tungkol sa bakasyon. Mahabang talakayan. Ba't nga raw ba hindi sila magbakasyon? Di pa nila nagagawang sama-samang mag-bakasyon. Di lang outing-outing. BAKASYON TALAGA! "Siguro mga 3 days, 2 nights, Di ba?" ganadong wika ni Gerald d Dyaryo-Bote. Kinontra naman ni Totoy Golem. "Three days 2 nights ka dyan, kala mo naman me pera ka!" pang-mamata nya. "Aba! Wag mo kong subukan!" palag naman ni Gerald d Dyaryo-Bote. "Wag mo kong subukan baka ilabas ko bank istetmen ko!"

"O wag kayo mag-away!" awat ni Sikyong Pedro. "Mahal na Araw na! Magmahalan at magpatawaran!"

"O, inom nga muna kayo!" sabi ko habang hinagisan ko sila isa-isa ng bottled water na binili ko sa malapit na grocery store. Dose lang naman ang isa, mura lang. Ako nga pala si Jaden Mero, ang me akda nitong blog na ito. "Wala bang gin?" pabirong tanong ni Dagul. "Gin? Anu pulutan?" tanong ko naman. "Nilagang okra," sabi ni Badong. "Sige, balang araw darating tayo dyan," sagot ko naman.

Pero nagpatuloy ang usapan sa bakasyon. Siryoso ang Ocho Boys. Kita mo sa mga mukha nila habang nagdi-discuss na seryoso sila. At type nila pumunta sa nayon nila Totoy Golem. Mamimingwit daw sila ng dalag at hito sa ilog, huhuli ng palaka sa bukid at magha-hunting ng baboy ramo sa bundok--at marami pang iba. "Pero mga parekoy, me mga kwentong kababalaghan dun ha. Warning-an ko na kayo," saad ni Golem na parang nanakot. "Me mga nagpapakita dun!"

Lalo namang nagustuhan ng Ocho Boys yon. Adventure! Nagkaisa lahat! Unanimous vote! "Edi landslide vote na yan!" Sigaw ni Pareng Babes. "Parang BBM!" Kumontra agad si Mr. Bean. "Hindi! Parang Leni!" Di rin papahuli itong si Sikyong Pedro. "Hindi ah! Parang Ping!" Pinatigil ko sila. "Teka! Kelan nyo ba gusto lumakad?" tanong ko. 

"Bukas!" sabay-sabay sila.

"Teka," awat ko. "Di pa alam ni Prof! Kelangan kasama si Prof. Magtatampo yun!" 

After a lot of discussions, napagka-sunduan ng grupo na March 11 na ang alis. Para daw maka-ipon pa ng pera na pang grocery at pang-palengke doon. Kantyaw naman ng iba. "Pamalengke? Kala namin magha-hunting at mamimingwit lang tayo?" tanong nila. "Yun pala mag-gro-grocery lang!" Tawanan at tuksuhan. "Mga susyal kayo! Rich kasi kayo!"

Nangisi si Gerald d Dyaryo-Bote. "Inggit lang kayo! Wala kayong bank estetmen!"



MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy.